Buhay na Data
Founder-Led Protection πŸ›‘οΈ

Tungkol sa Tagapagtatag

Kilalanin ang nasa likod ng selyado.app, ang nagtatanggol sa pangarap mong mag-abroad.

Hello, Mariel here.

15 years akong nagtrabaho sa food industry. Tulad ng marami sa inyo, nangarap din akong mag-abroad para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Pero sa paghahanap ko, na-scam ako ng illegal recruiter. Nawala ang ipon ko. Alam ko kung gaano kasakit at kahirap ang maloko.

My Mission

That experience changed everything. Binuhay ko ang selyado.app para sa isang layunin: gawing 100% safe at legit ang pag-a-apply abroad. Ang misyon ko ay siguraduhin na wala nang Pilipinong dadaan sa trauma ng scam. DMW-approved at verified jobs lang ang nandito.

Ligtas na Paraan Para Sa Pamilya Mo

Ang Selyado ay officially registered sa Department of Trade and Industry (DTI). Hindi lang ito ordinaryong website; isa itong digital shield na ginawa na may malasakit. Dito nagsisimula ang ligtas mong pag-abroad. Sabay nating protektahan ang kinabukasan mo.